Proseso kung paano umorder, sundin ang mga sumusunod na hakbang sa ibaba:
1. Pumili ng iyong mga produkto: Bisitahin ang aming "PAHINA PANO UMORDER" para sa impormasyon ng mga gulay na available at para rin malaman ang katumbas na kalakal ng espisipikong gulay. Piliin ang dami o sukat na nais mo at i-click ang "Idagdag sa Cart."
2. Tingnan ang iyong cart: I-click ang icon ng cart sa kanang itaas ng pahina upang makita ang iyong mga napiling produkto. Maaari mong baguhin ang dami o alisin ang mga item kung kinakailangan.
3. Mag-checkout: Kapag handa ka na, i-click ang "Checkout."
4. Paraan ng palitan: Matapos ma-place ang order ay mangyaring ihanda lamang ang kalakal na katumbas o kapalit ng gulay na binili. Ang katumbas ng kalakal na ipapalit ay nakadepende sa kalakal na mayroon ang mamimili. (Halimbawa: Isang (1) kilong kalabasa kapalit ng limang (5) kilong lumang dyaryo).
5. Pagpapadala: Ang gulay ay dadalhin saan mang sulok ng Barangay San Bartolome. Ang tinatayang oras ng pagdating ng iyong order ay mula 8 ng umaga hanggang 3 ng hapon.
6. Kumpirmasyon: Makatatanggap ng e-mail para sa kumpirmasyon ng order.